Nung nakaang linggo  lamang ay nag viral sa internet at social media ang isang video clip kung saan parang may pinakilig na babaeng referee itong si Luka Doncic ng Dallas Mavericks. . Sa nasabing video, ang babaeng NBA referee na kausap ni Luka Doncic siya si Ashley Moyer-Gleich. Pero Timeout Muna, sino naman itong magandang babae na kasama ni Luka sa larawan? kung si hindi si referee Ashley na nasa picture na ito, sino sya sa buhay ni Luka? 



Ayon sa video clips na lumabas, lumapit itong si Luka sa isang babae referee at ito nga si referee Ashley. Sa tagpong ito at unang nagsalita si Luka at sumagot naman “what foul, what foul” si ref Ashley?, hindi nga lang malinaw o narining ang sinabi ni Luka pero sa tamis at ganda ng ngiti ni ref ay siguradong may sinabi itong Luka na nagpakilig sa kanya. Dito nag simula ang trending memes, videos at pictures ng dalawa kasama na dyan nag trend ang salitang “Fouling In-Love with you”. 


Dahil mabilis na pagkalat ng video ay nag react na rin naman itong si ref Ashley at sinabi nya sa kanyang social Media na “Foul-In-Love na may kasama pang emoji na puso”. Hindi naman kaya ito ang salitang binitiwan ni Luka kaya napangiti itong si referee Ashley? samantala habang hindi pa rin sya tinantanan trending issue na ito ay ng nasundan pa ito ng isa pang status post ni referee Ashley at sinasabing “Stop it Luka Magic”.  


Nabanggit rin ni Ref Ashley sa kayang social media tungkol sa sinabi ni Fil-Am coach Erick Spolstra na tayong mga Filipino ay may nag-uumapaw na pagmamahal at suporta sa sports na basketball. Dahil dito mula sa kanyang puso ay napapasalamat nang lubos itong si referee Ashley sa ating mga Filipino. 


courtesy: Ashley Moyer Gleich Facebook

Sino si Ashley Moyer-Gleich?


Sa mga hindi pa nakakakilala magandang NBA referee na ito, Siya si Ashley Moyer-Gleich,  siya 33 yrs. old at may suot na number 75 sa kanyang officiating shirt. Isa syang ng full-time NBA referee na napromote noon pang 2018. Siya rin ay nakapaglaro ng basketball sa kanyang eskwelahan sa Millersville University sa Pennsylvania at nakaroon din ng limang taon na pag-officiate sa high school sa pareho rin eskwelahan. Una syang nakapag-officiate professionally sa NBA sa laro noong October 2018 sa  laban ng Pacers at Minnesota Timberwolves.


Si referee Ashley ay nag post ulit sa  kanyang Facebook, na may caption “No Luka, No King James, Flexing my hubby today: Johnee Gleich”. Dito ipinakilalala na nya ang kanyang asawa na si Johnee Gleich, isang contractor at NCAA referee. Kaya wag na tayong umasa na magkakaroon pa ng magic kay Luka at kay referee Ashley.


Watch full video here



Sino si Anamaria Goltes?


Siya si Anamaria Goltes, siya lang naman ang long-time girlfriend ni Luka. Si Goltes ay isang social media influencer na mayroong 136,000 followers sa Instagram. Siya rin ay isang lifetsyle and fitness instructor. Ang Slovenian beauty na ito ay isang professional dancer bago maging model, entreprenuer, at maging sikat na social media influencer.


courtesy: Anamaria Goltes Instagram


Ayon pa sa isang interview nila isang sikat na website sa America, si Luka at Anamaria ay unang pang nagkakilala nung 12 years old pa sila at ngayon ay lampas na (5) taon na rin silang makarelasyon. Mukhang may forever na nga ang dalawa.


Yan ang update sa trending Luka Doncic Fouling in love with you sa Referee Ashley at ang pagpapasalamat ni referee Ashley sa mga Filipino. Subaybayan natin ang ibang pang kaganapan hindi lang kay Luka Doncic at sa kanyang girlfriend na si Anamaria Goltes. Maging ang NBA referee na napalapit sa puso ng pinoy basketlball fans na si Ashley Moyer-Gleich.


#AshleyMoyerGleich #FoulinLove #LukaDoncic #TimeoutMuna #LukaGirlfriend

Post a Comment

Previous Post Next Post